KAPITAN GIN BULAG....
by >> kulotskie83
CHAPTER IV
Ang Nakaraan: nanalo si Noynoy bilang pangulo ng Pilipinas pero wala syang kinalaman kay Kapitan Gin Bulag...eto na ang sumunod na pangyayari
"Isang magandang binibini po ang humihingi ng tulong....nasa bintana po sya ng gusaling nasusunog, walang ibang madadaan palabas...hindi rin po makalapit ang mga bumbero dahil hini umaabot ang dala nilang hagdanan..." ulat ng isang mamamahayag mula sa kilalang network station
"Sandali lang po mga Kanguso...ano ito? isang lalakeng nakamaskara ang bigla nalang pong lumitaw mula sa itaas ng nasusunog na gusali"
nagsigawan at nagpapalakpakan ang mga taong nakikiusisa...
"AYON OH!!! si kapitan gin bulag yan" excited na sigaw ni Benidect ng mapanood ang kanyang idolo sa tv
"TTTOOLLL!!! dalian mo nasa tv si Idol...bilis" hindi mapakaling tinawag niya ang kanyang kakambal na si John....
hindi sila masayadong hawig ng itsura pero sa kilos at paguugali...walang duda na kambal talaga sila...(pareho silang mongoloid)
halos magkandarapa sa pagtakbo galing kusina si John upang maabutan ang kanya na ring Idolo na si Kapitan Gin Bulag
"HHUUWWOOOWW!!! ang bangis talaga ng custome ni Idol" sabay na sinabi ng dalawa habang nagkatinginan
tumakbo si John at kinuha ang supot ng pandesal sa kanilang lamesa inalis nya muna ang laman nito at tinaktak, binutasan ng dalawa kagaya ng suot ni Kapitan Gin Bulag...sabay talon sa kanilang upuan at sumigaw ng...
ubo..ubo..."ako si kapitan gin bulag..hahahah" tuwang tuwang sigaw ni mongoloid 2 (si John)
"siraulo ka talaga no....tsk tsk tsk malala ka na tol" iling-iling na sinabi ni mongoloid 1 (si Benedict)
"bakit naman?.." sabay tanggal ng suot na maskarang supot
"alam mo kung bakit?.." taas kilay na sinabi ni M1 kay M2
"bakit nga?" bumaba na si M2 mula sa kanilang upuan...
"eh GGGAAGGOO ka eh!!!" tumatalsik pa ang laway habang inaasar ang kakambal...
"hahahahahahaha!!!!" sabay na nagtawanan ang magkakambal na ungas
napalingon ng sabay ang dalawa ng marinig nila ang sinabi ng mamamahayag...at mabilis na nagunahan para makalapit sa telebisyon nilang de pihit...
"NAILIGTAS NA PO NG NAKAMASKARANG LALAKE ANG MAGANDANG BINIBINI" wika ng mamamahayag habang nakatingala sa nasusunog na gusali
mabilis na tumakbo palabas ang magkakambal upang humabol at makita ng LIVE ang kanilang IDOLO naghiwalay sila ng daanan...si M1 sa kanan at si M2 sa kaliwa....
palakpakan ang mga tao, nagsisigawan ng mabuhay si Kapitan Gin Bulag!!!
"maraming salamat hah! utang ko sayo ang buhay ko" mula sa pusong pasasalamat ng magandang binibini kay Kapitan Gin Bulag
"ehem..wala bang kiss?" di na nya napigilan ang sarili dahil sa kaakit-akit na itsura ng binibining iniligtas nya...
sabay angat ng maskarang supot sapat lang para mailabas ang kanyang labi...akmang hahalik na ang magandang binibini ng may biglang sumigaw at umepal na lalake.... "IIIDDOOOOOLLL!!!!"
"kamote naman oh" napahampas nalang sa ulo gamit ang kanyang palad si Allan
pamilyar na sa kanya ang boses na yun...wala ng iba kundi ang ungas na si Benedict
"ahhmm kapitan gin bulag? ok ka lang ba?" mahinhin na tanong ng magandang binibini sa kanya
"ay wala yun, ok lang ako may iligligpit lang akong istorbo mamaya...hehehe" pabulong na sinabi ni Allan
"ano po yun?" kunot ang noong tanong ng Binibini dahil hindi sya nito naintindihan
"NEBER MAYND!!! AYM OLRAYT...maari ko bang malaman ang NEYM mo miss?" pacute ang boses na tanong nya
"opo naman, ako nga po pala si Jheng, sekretarya po ako ni Mayor Arnaldo Castro"
sabay lahad ng kanyang palad upang makipagkamay
"ITCH A BIYUTIPUL NEYM..." sabay abot sa nakalahad na palad ni Jheng, akmang hahalikan ito ng biglang..............
"IIIDDDOOOOLLL!!!!!"
malakas na sigaw muli ang bumasag sa trip ni Allan
"anak ng kamoteng gapang naman talaga tong mongoloid na to oh" kagat labing nasabi ni Allan sa sarili..dahil sa inis at kung ano pa ang magawa nya sa ungas na bumabasag sa moment nya, naisipan nalang ng ating lasenggong bayani na magpaalam
"oh pano?..magpapaalam na ako Jheng, ITCH NAYS MITING YU" sabay kindat
"maraming salamat po talaga kapitan gin bulag , kahit mukha kayong eng-eng sa suot nyo salamat pa rin po" mahinhin na pasasalamat ni Jheng
napaisip ang ating bayani...
"teka!! narinig ko na yan ah...WEL...NEBER MAYND"
kibit balikat na bulong nya sa sarili
muli..isang mataas na lundag ang ginawa ng ating bayani upang makaalis na sa lugar na yun...
"IIIIDDDDOOOLLLL!!!!!"
muling umalingawngaw ang nakaririnding tinig ng kanyang numero unong TANGAHANGA
ngunit hindi pa nakakalayo ang ating bayani isang nakakatakot nanaman na kaganapan ang kanyang naulinigan (lalim no?)
"IBABA MO YANG BARIL MO AT SUMUKO KA NA BOY BALBAS, NAPAPALIGIRAN KA NA NAMIN" sigaw gwapitong pulis na hawig ni bruce lee gamit ang isang megaphone
"MGA ULOL!!! HIINDI AKO SUSUKO...BAKA AHATIN NYO LANG ANG BALBAS KO" sigaw pabalik ng mukhang sangganong kalbo na mas piniling magpatubo ng buhok sa baba kesa sa ulo...(mukhang terorista)
"BIBILANG KAMING TATLO...PAG DI KA SUMUKO MAPIPILITAN KAMING MAGPAPUTOK" banta ng gwapitong pulis
"anong kaguluhan ito? TINYENTE?" tanong ni Allan habang nagkukubli sa likod ng pinto ng patrol car
"Ahhmm SPO1 ICO po hindi po tinyente.." pagtatama nito
"Si Jhe kasi alyas boy balbas gumagawa nanaman ng kaguluhan"
paliwanag ni SPO1 ICo
"sige akong bahala LUTENANT" sabay saludo
"SPO1 nga eh" gigil na nasabi ng ating gwapitong pulis
habang naguusap ang dalawa, lumabas si Jhe hawak ang isang maganda (ulit) na dalaga
"SIGE SUBUKAN NYONG MAGPAPUTOK..KUNDI PUPUTUKAN KO TO SA LOOB ESTE PUPUTUKAN KO TO KASI MASAMA ANG LOOB KO" naghuhurumintadong sigaw ni Jhe habang sakal sakal ang isang magandang babae at nakatutok ang baril sa ulo...
"wag po...maawa na po kayo sa akin..huhuhuh" takot na takot at iyak nalang ang nagawa ng kawawang dalaga...
hindi na kinaya ng ating bayani kanyang nasasaksihan...lakas loob syang tumayo at sumigaw...
"HOY BOY BALBAS!!! IBABABA MO YANG BARIL MO O AAHITIN KO YANG BALBAS MO?..." banta na may kasamang duro na sinabi ni Allan
"SIRAULO...PAKYU!! HATI-HATI KAYONG LAHAT, SIGE SUBUKAN MONG LUMAPIT PUPUTUKAN KO TALAGA TO" sabay diin ng baril sa ulo ng kawawang dalaga
iyak lang ng iyak ang babae sa sobrang takot...
"kuya wag po, wag po kuya" pagmamakaawa nito kay Jhe
"hoy gaga, hinohostage kita hindi kita nirarape..ambisyosang to" bulong nito sa dalaga sabay diin ulit ng baril sa ulo
Huminga ng malalim ang ating bayani, kinuha ang bote ng gin sa kanyang bulsa sabay tungga...gaya ng dati para daw astig syang tignan pinunasan nya ang kanyang bibig gamit ang manggas ng kanyang damit....
Simbilis ng hangin ang ating bayani, mabilis syang nakatungo sa likod ni Jhe ng hindi sya nito napapansin
"anong binubulong mo kanya? sali naman ako" mula sa likod ni Jhe nagmula ang pilit na pinapaastig na boses
dahan dahan ng lumingon ang bandido...at nakita nya nyang nakaaamba na ng suntok ang ating bayani
"hah!!! panong..anong..saang..bakit?... gulong gulo na tanong ni Boy balbas
!!!BBOOOGG!!!
malakas na suntok ang pinakawalan ng ating bayani na naging dahilan at nabitawan nya ang kawawang dalaga...mabilis na tumakbo ang biktima sa kung saan nagkukubli ang nga pulis
bagsak sa simento si Boy balbas...pinahid ang tumulong dugo sa kanyang nguso at agad tumayo upang gumanti sa ating bayani...
humarap ang ating bayani sa mga pulis
"WALANG MAGPAPAPUTOK..LABAN KO TO" utos nito
hindi niya napansing nakatayo na pala si Jhe..kaya paglingon ng ating bayani upang harapin ang Bandido......
!!!PPPAAAKKKK!!!!
malakas na suntok ang bumulaga sa kanya
bagsak ang ating bayani...napapikit ang mga taong nakikiusisa dahil alam nila kung gano kasakit ang suntok na tinamo ng ating bayani...
"TAYM PERS...ang daya mo ah, di pa nga ako GEYM eh" agad tumayo ang ating bayani sabay pagpag ng suot nyang pangbasketball short
"anong time first? walang time first time first sa akin" sumugod ulit si Jhe ang bandido
pero ngayong handa ng lumaban ang ating bayani wala ng nagawa ang lakas ni Boy balbas
sinalag lang gamit ang isang daliri ng ating bayani ang pinakawalang suntok ni Jhe...palakpakan ang mga tao!!!
nilingon ni Allan ang mga nagpapalakpakang tao sabay sabing...
"nagpauna lang ako...hehehe" pagmamayabang ng ating bayani
muling nagbitaw ng malakas na suntok ang bandido pero mabilis itong nailagan ng ating bayani...nasa likod sya ulit ni Boy Balbas
"Bin laden nandito ako oh" pambubuyo ni Allan kay Jhe
"Anong Bin laden? gago ka talaga ah!!" isang sipa ang pakakawalan ng bandido
muli itong nasalag ng ating bayani, pero ngayong hawak na nya ang paa ng bandido....
!!!BBBLLAAAGGG!!!
bumalibag si Boy balbas
hindi na nagawang bumangon ng bandido dahil sa lakas ng pagkakabalibag sa kanya ng ating bayani
"KAYO NG BAHALA DITO GENERAL Ico" tinawag na nya si SPO1 Ico
padabog na lumapit ang gwapitong pulis at bumubulong ito...
"sabi ng SPO1 Ico eh...naku kung di ka lang bayani ipapadrug test kita" inis na bulong nito habang tinutungo ang hindi na makabangong bandido
"Salamat kapitan gin bulag, sa pagtulong ninyo" sabay saludo ni SPO1 Ico...pero sa likod ng pagsaludo na yun naiinis pa rin sya sa mali maling pagtawag sa kanya ng ating bayani...
"wala yun KUMANDER Ico" saludong pabalik na ating bayani
kagat labi nalang ang naisagot ng ating gwapitong pulis
akmang aalis na ang ating bayani pero muli, pinigilan sya ng dalagang iniligtas nya
"maraming salamat po kapitan gin bulag, may utang na loob ako sayo utang ko sayo ang buhay ko" mangiyakngiyak ang dalaga
"ssuuss!!! wala yun...ITCH MAY JAB" nakapameywang pa ang ating bayani
"pero kung iyong mamarapatin...ehem...pwede ba akong makahingi ng isang halik?" nakangiting aso nyang tinuran (lalim ulit)
"yun lang po pala eh, ok lang po...by the way before i do that, i will introduce myselt fisrt" nakangiti ang magandang dalaga
blankong mukha lang ang naisagot ng ating bayani, tanda ng nahirapan syang intindihin ang sinabi ng magandang dalagang kausap
"aahh oo siiggee...heheheh DU IT PERS" pormal na sabi ni Allan
"I am Sheila Soriao niece of the owner of the biggest company in this country" sabay lahad ng mga palad
"OOHH IS DAT SOW?" nabasa lang nya yung linya na yan sa komiks pero ang totoo nyan di nya alam ang ibig nitong sabihin
inabot na ating bayani ang palad ng magandang dalaga...ngunit bago sya humalik, lumingon lingon sya paligid, inaalam kung nasa paligid ang asungot na istorbong mongoloid...
"JAKPAT wala yung ungas na yun" bulong niya sa sarili
"so i will now grant you my kiss" nakangiting sinabi ni Shei
muling inangat ni Allan ang kanyang masakarang suot sapat lang para lumantad ang kanyang labi
(yyyeeessss!!! DIS IS IT...) tuwang tuwang bulong nya sa kanyang isip
malakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil papalapit na ang labi ng magandang dalaga......ng biglang....ooopsss to cut it short, hindi po si Wilson (bf ni Shei in real life) ang babasag sa moment nila...may sarili syang character dito...anyway eto na ang sumunod na pangyayari
palapit na ng palapit ang labi ng magandang dalaga, konti nalang...konting konti pa...
"IIIDDOOOLLLL!!!!! WHHHOOOHH!!!! YYEEAAHBBAAHH!!!!"
mas malakas at mas nakakarindi ito kesa dun sa nauna
"wait who was that?" udlot na tanong ni Shei
"HUDAS DAT!!! anak ng tira tirang tutong naman oh...hhaayyss!!!" inis at kamot ulo nalang na nasabi ng ating bayani
"sino naman kaya yun?.. eh hindi ko naman nakita si Benedict s paligid ah" nagtatakang tanong ni Allan sa sarili
"IIIDDOOOLLLL!!!!!
napalingon si Allan sa kanyang likuran at nakita nyang tumatakbo na halos magkandarapa papunta sa kanyang dereksyon si John ang kakambal ni Benedict...may dala itong lapis at papel (alam nyo na kung para saan)
sa takot ng ating bayani na baka kung ano ang gawin sa kanya ni John, mabilis na nilisan ng ating bayani ang lugar isang mataas na talon muli ang kanyang ginawa...punong puno siya ng panghihinayang dahil sa naudlot na halik...
"magkakambal talaga yung dalawang yun, parehong istorbo sa moment....putcha!!!" inis na bulong na ating bayani sa sarili
"IIIDDOOOLLLL!!!!! WHHHOOOHH!!!! YYEEAAHBBAAHH!!!!"
muling umalingawngaw ang mas nakaririnding tinig ng kanyang isa pang TANGAHANGA
Isang araw nanaman ang natapos sa buhay ng ating bayani...may nailigtas nanaman syang mga buhay, sino nanaman kaya ang mangangailangan ng tulong ng ating lasenggong bayani....?
ABANGAN: ang pagbabalik ng mga dayuhang alien mula sa plentang....21
No comments:
Post a Comment