KAPITAN GIN BULAG....
by >> kulotskie83
CHAPTER III
Ang Nakaraan: ay nakaraan na kaya wag na nating balikan eto na ang kasalukuyan....
BBOOOOOOMMM.....ingay ng isang pagsabog ang gumising kay Allan....Napabalikwas sya sa sobrang pagkagulat...pagmulat ng kanyang mga mata nakita nyang gumuho na ang mga gusali, mga bahay, mga tulay at kalsada...puro makakapal na usok ang makikita sa daan, wala ng bakas ng buhay sa paligid...
Mula sa malayo isang bakas ng malaking lalake ang natanaw ni Allan animoy may buhat na tao sa kanyang balikat...hindi nya alam kung may buhay pa ang taong buhat-buhat ng malaking lalake...
"Anong nangyari dito? ayos yung kulot na yun ah nabetsin ata ako" kausap ni Allan sa sarili...habang sinasalubong ang nakita
Palapit ng palapit ang malaking lalake na buhat ang tila wala ng buhay na tao...
"sus ikaw lang pala...ikaw yung berdeng dugo ng mga alien diba?" maangas na tanong ni Allan na nakatingala sa kausap
"BERDUGO!!! shungak" nagmamaasim na sagot ni Ian ang berdugo habang ibanababa ang buhat ng tila wala ng buhay na si Jake...
"aahh...ganun din yung pinaiksi mo lang" pangaasar nito
Walang anu-ano agad sinampal ng berdugo si Allan sa laki nito halos humiwalay ang ulo ni Allan sa kanyang katawan...nagpagulong gulong ito sa sobrang lakas ng pagsampal ng malaking lalake...halos nawalan ng malay si Allan sa sakit na kanyang nararamdaman...lumalapit nanaman ang berdugo sa kanya, pilit syang bumabangon pero hindi nya maikilos ang kanyang katawan dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman...
Nakalapit na ang berdugo, wala na syang nagawa...naisip na nyang ito na ang kanyang katapusan...niyugyog sya ng niyugyog ng malaking lalake na tila isang manikang pinaglalaruan ng isang paslit....
YUGYOG YUGYOG YUGYOG!!!.....
"HOY!!! Allan gumising ka na nga dyan, nakaharang ka sa mga dadaan eh" sigaw ng isang lalake habang niyuyugyog sya nito...
"wwwhhhaaa!!!!" napabalikwas si Allan sa sobrang pagkagulat....
dahan-dahang lumiliwanag ang kanyang paningin, pamilyar na hugis ng ulo ang kanyang nakikita...
"KAPITAN?.. anong nangyari?.. nasan na yung malaking bakulaw?.. nasan na yung......?" tanong ng naguguluhang si Allan
"Tama na Allan, kung anu-ano nanaman ang nakikita mo sa sobra mong kalasingan" pigil ng kanilang kapitan na si Ojay, mamang kalbo na tila anak ni MR. CLEAN sa sobrang kinis ng ulo nito, may malaking pangangatawan at maayos na tindig...
"puta,...Kapitan Ojay ang tindi ng pangaginip ko, akala ko hindi na ako makakatikim ulit ng alak" takot na takot na sumbong ni Allan sa kapitan
"ikaw kasi hindi nagtitira panguwi, yan tuloy kung anu-ano naiisip mong kagaguhan...baka naman rugby pinulutan mo...hahahaha" pabirong asar ng Kapitan kay Allan habang nakaakbay kay Allan...
Mabait na Kapitan si Ojay sya ang Kapitan ng Brgy. Tagay...lahat ng tao sa kanyang nasasakupan ay tinuturing nyang kaibigan kaya lahat ng nakatira sa kanilang Brgy. ay ginagalang at sinusunod sya...
"umuwi na ka Allan...siguradong hinahanap ka ng asawa mong si Joyce, yari ka nanaman dun" nakangiting sabi ni Kapitan Kalbo
"tsaka aasikasuhin pa namin kung pano ililigtas yung dalawang gwapings dun sa mga alien na dumukot sa kanila, baka kung anu-ano na ginagawa sa mga yun" sabay kamot sa kalbong ulo ni Kapitan
"Sige Kapbo (kapitan kalbo) uwi na ako pasensya na sa naging abala ko sa inyo" kamot din sa ulo ang mukhang manyakis na bigotilyo sabay talikod sa Kapitan...
habang naglalakad pauwi muling naalala ni Allan ang nakainumang kulot...inisip nyang panaginip lang at dala lang ng kalasingan ang nakita nyang pagtransform ng nakainumang si kulotskie na sugo daw ng Brgy. Ginebra...
"matindi yung kulot na yun ah, napatumba ako ng matindi baka naman hinaluan nya ng betsin yung alak namin kagabi" sabay kapa sa kanyang puwitan....pero nagulat sya sa kanyang nakapa....BOTE NG GIN!!!
"TTTUUULLLOOONNGGG!!!!"
Isang malakas na sigaw ang narinig ni Allan mula sa malayo...
"tulungan nyo ako may humablot ng bag ko" sigaw ng maliit ngunit maganda at mukhang mayaman na babae
walang pumapansin sa babae...walang malakas na loob ang humabol sa papalayo ng snatcher...iyak lang ng iyak ang magandang dilag
Biglang may bumalik sa alaala ni Allan...ang mga huling katagang narinig nya mula kay Kulotskie...
"bilang pasasalamat bibigyan kita ng alak na makapagbibigay sayo ng kakaibang lakas, lakas, lakas, lakas" .....fading......
Sa naalala nyang iyon agad nyang kinuha ang BOTE NG GIN sa kanayng bulsa at mabilis itong tinungga...
Hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon, kakaibang lakas ang tila bumabalot sa kanyang katawan, pakiramdam nya nun eh nag"take" sya ng sanda makmak na vitamins at uminom ng litro litrong energy drinks....handa na nyang tulungan ang kaawa-awang dilag na panay ang iyak dahil sa pangyayari, pero upang hindi makilala ng mga tao, naisip nyang magtakip ng mukha...lumingon lingon sya sa kanyang paligid at isang supot na papel ang kanyang namataan...
binutasan nya ito ng dalawa katapat ng kanyang mga mata upang makakita ito ng maayos...para syang makapili nung unang panahon
mabilis tumakbo ang snatcher pero di sya umubra sa bilis ng pagtakbo ni Allan..animoy hangin na dumaan sa sobrang bilis...agad nyang naabutan ang magnanakaw at tumayo ito sa harapan ng snatcher na ikanagulat ng magnanakaw at napatigil ito sa pagtakbo...
"hoy!! ungas akin na yang bag na ninakaw mo" inaastigan ang boses na tila isang super hero...pero hindi naintindihan ng snatcher ang sinabi nya dahil sa suot sa kanyang ulo...
"ano yun?. hoy siraulo tumabi ka nga jan...oh eto bente pesos bumili ka ng RUGBY matutuwa ka pa" akmang inaabot ang bente pesos sa kanya (kay Allan)
Pinilipit ni Allan ang braso ng magnanakaw, gamit ang kakaibang lakas walang nagawa ang magnanakaw kundi sumigaw lang ng "ARAAYYY"
"ibabalik mo ba yang bag o babalian kita ng braso?" muli nyang pinilipit ang kamay ng magnanakaw
"AARAAYY KKKOO PPOO!!!! tama na po ibabalik ko na po yung bag" sigaw sa sobrang sakit ang magnanakaw....
nagdatingan na ang mga brgy. tanod kasama si KAPBO (kapitan Ojay)
"anong ibig sabihin nito? sino ka? nakaturo sya sa nakamaskarang lalake
"KAPBO patawarin nyo na po ako hindi ko naman to gustong mangyari eh" pagmamakaawa ng magnanakaw habang nakapilipit parin ang mga braso
"KAPBO kayo na po bahala dito sa mokong na to" sabay tulak sa magnanakaw..."pakibalik na rin po dun sa magandang dilag yung bag nya"
akmang tumalikod na ang nakamaskarang lalake para umalis na, pero pinigilan sya nung babaeng tinulungan nya upang magpasalamat....
"maraming salamat po sa inyo kahit mukha kayong eng-eng sa suot mo salamat pa rin po talaga" nakangiting wika ng magandang dilag
"oo nga po pala ako po si Roan, nagtratrabaho sa isang publishing company...alam ko na, bilang pasasalamat isusulat ko to sa dyaryo...promise" nakalahad ang mga kamay upang makipagkamay sa estrangherong nakamaskara...."ano po ba pangalan nyo?"
"aahhh eeehhh iiiihhh ooohhh uuuuhhh" nagiisip sya ng astig na pangalan
"ako si...si...si..."
"tama na yan dalhin nyo na yang magnanakaw na yan sa kulungan" utos ni KAPBO sa kanyang mga tanod
napalingon si Roan kay KAPBO...
Mabilis na tumakas si Allan ng hindi nagpapakilala, isang mataas na lundag ang ginawa nya at sa isang iglap nasa tuktok na sya ng sampung palapag na gusali...
nilingon muli ni Roan si Allan upang kapanayamin (lalim ng tagalog) pero wala na ito nung mga oras na yun...
"sino ba yung parang tanga na nakamaskara ng supot na yun kapitan?" tanong ng isa sa mga tanod
"hindi ko nga yun kilala eh kabisado ko ang boses ng bawat isa sa mga nasasakupan ko pero hindi ko halos maintindihan yung boses nya, siguro dahil dun sa suot nyang maskarang supot" kamot sa ulong sabi ni Kapbo
"pero may naamoy ako sa kanya na pamilyar ang amoy, naamoy ko yun kanina lang eh...amoy...amoy...amoy...amoy GIN BULAG!!! napasigaw si Kapbo dahil sa naalala
"magandang pangalan po yan kapitang Kalbo" singit ni Roan
"kAPBO nalang ang pangit pakinggan eh..anong magandang pangalan?"
nakangiting sabi ng palakaibigang kapitan
"yung sinabi nyo po kanina...yung GIN BULAG...simula ngayon tatawagin na nating syang KAPITAN GIN BULAG............
"KAPITAN GIN BULAG? ayos yun ah kung may CAPTAIN AMERICA ang mga kano dito sa BRGY. TAGAY meron tayong KAPITAN GIN BULAG!!!!" pagsangayon ni Kapbo sa naisip na iyon ng kolumnistang si Roan...
Mula sa itaas ng sampung palapag ng gusali narinig ng nakamaskarang eng-eng ang pag-uusap ng mga nasa ibaba...nirinig din nya ang bagong bansag sa kanya na KAPITAN GIN BULAG...
"KAPITAN GIN BULAG? pwede na rin...lasenggong bersyon ni captain barbel yun ah!" kausap ni Allan sa sarili habang patalon talon sa bubong ng mga bahay...naisip nyang sa ganong paraan mabilis syang makakauwi sa kanilang tahanan...inabutan na sya ng takip silim.....
Nakauwi na si Allan....nagmunimuni siya habang nakahiga na sa banig, malalim na ang gabi pero di sya makatulog sa kaiiisip sa mga naganap nung umagang iyon...baling baligtad sya sa kaiiisip, tatayo, maglalakadlakad, magyoyosi....paulit ulit na ganoon ang senaryo nya buong magdamag..........
TIKTILAOK.....!!!
Nakatulog ang matandang mukhang manyakis sa hagdanan ng kanilang bahay....isang maliit na bato ang tumama sa ulo ni Allan na syang dahilan kaya sya nagising...
"HOY ALLAN!! sigaw ni Benedict na akmang naghahanap ng bato para ipangpukol (lalim noh) kay Allan , pero ang di nya alam gising na at nakatitig na ito ng masama sa kanya...
"Sige bumato ka pa ihahampas ko tong bahay ko sayong ungas ka" matapang na sabi ni Allan
"hehehehe ikaw kasi tulog mantika ka" sabay baba ng batong napulot
"Allan san tayo ngayon?" tanong ni Reagan na kanina pa pala nando'n sa bakuran ni Allan
"Oo nga Lan san tayo ngayon?" ulit na tanong ni Benedict na pumasok na rin sa kanyang bakuran
"Maiba lang ako hah...naaalala nyo ba yung nakasalubong nating lasing na kulot?.."
pagbabalik tanaw ng mukhang manyakis habang nagiinat
"yung zombie ba yun?..." dilat ang matang tanong ni Ben kay Reagan
"tanga lasenggerong kulot lang yun...tumakbo ka kasi agad eh di pa nga tayo nakakalapit" sabay mahinang batok kay ungas
"oo yun nga Gan, diba iniwan mo kaming dalawa no'n? alam mo bang may nangyaring milagro" nakayukong sabi ni Allan
"PPUUTTA ka Allan bakit mo nagawa yun? sabi ko na nga ba eh, may kakaiba sa mga hawak mo sakin...eeewwwww" nandidiring sabi ni Benedict
"ULOL!! manyakis ka talaga...hindi yun ang sinasabi ko" sabay batok kay ungas
"eh anong milagro ba yun Lan? kasi yun din ang naisip ko eh. kala ko pinatulan mo yung kulot na yun..hahahahah" pabirong sabi ni Reagan
"ULOL!!! hati kayong dalawa...hindi yun!!!"
"eh ano ba talaga yun manyak? binibitin mo naman kami eh" sabay tayo sa kinauupuang malaking bato at pinagpagan ang suot na maong short
"mahirap ipaliwanag, pagtatawanan nyo lang ako" nakayukong sabi ni Allan
"sanay na kaming pinagtatawanan ka...ano bago dun? sige na sabihin mo na NYAK" (short for manyak) tumayo na rin sa kinatatayuan na upuang kahoy si Reagan at lumapit sa nakayukong si Allan
sinimulan na ni Allan ang kwento.........
"ganito kasi yun, nung sinapian na ako ng espiritu ng alak nagliwanag bigla yung kulot na kainuman ko...." nakayuko pa rin habang nagkekwento
pigil sa tawa ang dalawa pero nakikinig pa rin sa kwento ng kaibigan
"tapos nung lumiwanag sya may sinabi syang kakaiba" sabay angat ng ulo upang tignan ang dalawang kaibigan na namumula na dahil sa kapipigil ng tawa
"puta..sabi na eh pagtatawanan nyo lang ako, kalimutan nyo na nga yun" kamot sa ulong sabi ni Allan
"sige na tuloy mo na tampururot ka naman agad oh" pangaasar ni Benedict sabay akbay sa kaibigan
"oo nga Lan tuloy mo na tutal wala naman tayong gagawin ngayon pakikinggan ka na lang namin..." nakangiting pangasar si Kalbo
"wag na hindi rin naman kayo maniniwala eh...." sabay tayo at magwawalk out sana
"teka lang Allan sige na tuloy mo na yung kwento mo...di na kami tatawa peksman!!" pigil pa rin sa pagtawa si Reagan
"weyt por a meynit anjan na yung nagtitinda ng dyaryo" sabay hawi sa dalawang kumag
HEADLINE: KAPITAN GIN BULAG...SAVES THE DAY!!!
napangiti si Allan sa nabasa sa dyaryo...
"anong nginingiti ngiti mo dyan Lan? BOSO yang dyaryong binili mo noh?.." excited na tanong habang papalit si Benedict
"hoy akin yung gitnang part dyan hah?" lumapit na rin si Reagan para tignan yung nabiling dyaryo ni Allan
sabay na nabasa ng dalawa ang hawak ni Allan na sinasadya naman nyang ipabasa sa dalawang ungas....
"kapitan gin bulag saves the day? ano nanamang gimik yan? tapos na eleksyon ah..." pangasar na tanong ni Reagan
Busy naman sa pagbabasa si Benedict sa buong detalye ng balita
tutok na tutok sya at napapangiti habang binabasa ang balita...hindi na sya nakapigil at inagaw na nya ang dyaryo mula sa pagkakahawak ni Allan, wala namang nagawa si Allan kaya ibinigay nalang nya ang dyaryo kay ungas at hinayaang basahin ang buong balita...
"HHHUUWWWOOWW!!! ang astig ni kapitan gin bulag...ang bangis nung costume nya..." manghang nasabi ni Benedict pagkatapos nyang basahin ang balita...
napatingin si Allan kay Benedict dahil sa pagkagulat sa nasabing maganda daw ang costume ni kapitan gin bulag
"anong maganda dun eh supot lang yung tinakip nya sa mukha nya? ungas ka talaga ah" di nakatiis na tanong ni Allan
"oo nga naman..anong maganda dun para nga syang tanga...ano yun? may maitakip lang sa mukha? pakana lang yan ng mga pulitiko" sabat naman ni kalbo
"ah basta idol ko na si kapitan gin bulag, teka lang uuwi muna ako babalita ko lang to sa kakambal ko" excited na paalam ni Benedict sa dalawa
"mongoloid talaga yung taong yun ah" bumalik na sa kinaaupuan si Reagan
"Hoy Allan, sige na tuloy mo na yung kwento mo kanina, yung tungkol dun sa nakasalubong nating kulot" seryosong sinabi si kalbo
lumapit na si Allan upang ituloy na ang kwento, alam nyang si Reagan lang ang makakausap nyang matino nung mga oras na yun...
"sige ganito nalang may ipapakita nalang ako sayo Gan" papalapit na si Allan habang nakatingin sa kaibigan
"pakyu ka Allan ha! di ako interesado dyan...kung anong meron ka, meron din ako nyan mas malaki pa yung sa akin" napaatras na nasabi ni kalbo
"gago, di yun...alam ko namang pinagpala ka eh, eto oh tignan mo to..." sabay kuha ng bote mula sa kanyang bulsa
"oh ano naman meron dyan sa bote ng gin na yan? may "genie" ba dyan sa loob nyan?" kunot ang noong tanong ni kalbo
"wala, tanga! eh kung may "genie" dito sana tung kubo ko eh mansyon na...may kakaibang epekto lang tong gin na to Gan" pilit na pinapaniwala ni Allan ang kausap
"anong epekto naman? mabilis bang makalasing yan? daig pa ba yung gin bulag natin sa tama nyan ha?" kunot parin ang noo at tila di parin naliliwanagan sa mga sinasabi ng kausap
"sige ipapakita ko nalang sayo kung anong epekto nito" nilapitan ni Allan yung malaking bato na kinauupuan ni Benedict kanina...
agad tinugga ang hawak na gin sabay punas ng bibig gamit ang manggas ng suot nyang damit...nabalot nanaman sya ng kakaibang lakas, naginat ng konti at walang ka "effort-effort" nabuhat nya gamit ang isang kamay ang malaking bato...
"oh kitams!!!" sabay kindat sa nakatulalang si Reagan
hindi makapaniwala si Reagan sa nasaksihan nyang pang ripleys believe it or not o pang guinness book of world record na lakas ni Allan...kinusot ang mata, tinikom ang nakakangangang bibig at napatayo sya sa sobrang pagkamangha
"tangina Allan anong klaseng alak yan?.. ibaba mo na yan baka may makakita pa sayo, kukunin ka nun pangperya" lumapit na si Reagan sa kaibigan
"eto yung kinukwento ko sa inyo kanina, binigay sa akin to nung nakainuman kong si Kulotskie yung nakasalubong natin" sabay baba ng buhat nyang malaking bato
"bibigyan daw ako nito ng kakaibang lakas kapag ininom ko to"
napaisip bigla si Reagan...
"teka lang!! wag mong sabihing ikaw si kapitan gin bulag na yun?" dilat na mga matang tanong ni kalbo
ngiti lang ang sinagot ni Allan kay Reagan, pero kabisado na siya ng kaibigan na kapag ngumiti sya ang ibig sabihin nito ay "OO"....
"tangina ka Lan, superhero ka na...ayos yan" tuwang tuwa si Reagan sa nalaman
"pero Gan, sikreto lang natin to ha? baka pag nalaman ng ibang tao to manganib ang pamilya ko...alam mo na, tsaka wag na rin natin tong sabihin dun sa mongoloid na yun, madaldal yun eh" pakiusap ni Allan
"Lan makakaasa kang isisikreto ko itong lahat, basta ako ang sidekick mo ha? nakangiti sabay kindat ni Reagan
"SSSUUNNOOGGGG!!! tulungan nyo po kami!!!!"
malakas na sigaw ng isang babae ang bumasag sa paguusap ng dalawang magkaibigan...
"oh pano yan Lan? kaylangan na ata ng tulong ni Kapitan Gin Bulag"
nakangiting sabi ni Reagan sabay hampas sa balikat ng kaibigan
"sige ako ng bahala, salamat Gan ha! makakaasa kang di ko to gagamitin sa kalokohan...." sabay apir kay kalbo
suot nyang muli ang supot na initago nya sa kanyang bulsa at isang mataas na lundag ang ginawa nya upang mabilis na makalapit sa nasusunog na gusali
"ingat ka Allan este Kapitan Gin Bulag!!!" nakatingalang paalam ni Reagan
END OF CHAPTER III
No comments:
Post a Comment