Search This Blog

Sunday, January 16, 2011

Kapitan Gin Bulag Chapter V

Kapitan Gin Bulag Chapter V
by kulotskie

(the continuation..)




eh eh eh eh eh eh eh ehhhh twenty one....
eh eh eh eh eh eh eh ehhhh twenty one....
eh eh eh eh eh eh eh ehhhh twenty one....

Muling binalot ng kadiliman ang kalangitan.....

"ANDYAN NA ANG UL.........................AAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!" tarantang
sigaw ng bungangerang tsismosa ng mamataan ang malaking spaceship na akmang maglalanding na sa lupa....

hindi na umumbra ang malakas na bunganga ni Bella dahil
nagkaroon na sya ng PHOBIA dahil sa nangyari dun sa Chapter II....mabilis syang nagtago at pinagsiksikan ang sarili sa ilalim ng kanyang kama....etchapwera na tuloy sya sa kwentong ito....anyway

nagkagulo sa kalsada, kanya kanyang takbo ang mga tao....
mabilis na nagsara ang mga tindahan, ang mga tambay na lasenggo ay di rin umubra, kanya kanya silang takbo pero syempre di nila maiiwan ang sinasamba nilang alak, kaya bitbit pa rin nila ito habang tumatkabo ng matulin...at nagawa pa rin nilang magabutan ng tagay!!
(yan ang epekto ng alak....tsk tsk tsk)

"oh shot mo na" sabay abot ng tagay ng isang lasenggo sa kaibigan nya habang nagtatakbuhan sila....

"siraulo ka talaga Allan...linulusob na nga tayo ng mga bading na ALIEN alak pa din yang inaatupag mo" hingal na
sermon ni Reagan, ang simpatikong kalbo na kaibigan ni Allan

"SSUUSS!!! walang magagawa yang mga yan...RIMEMBER kasama mo si Kapitan Gin Bulag" pagmamayabang ni Allan
sabay shot ng inaalok nyang tagay kay Reagan...

"oo nga noh....." sabay hinto si Kalbo "bakit tayo tumatakbo?.."

BBBLLAAAGGG!!!!

"ARAYKUP!!! puta...bigla bigla ka nalang pumepreno ah"
kamot kamot ng noo si Allan

"tol magagamit mo ng todo powers mo dyan sa mga yan" proud na proud na sinabi ni kalbo sabay isang bagsak ng palakpak

samantala habang busy sa paguusap ang magkaibigan....lumapag na ang higanteng sasakyan

SSWWWOOOSSSHHHH!!! bumukas ang pintuan...mula sa liwanag lumabas ang bilugang lalake kasunod ang henyong doktor

Pero di tulad ng dati, mistulang disyerto ang baranggay walang taong makikita sa paligid...tanging mga basura, mga inabandonang "TRIBIKE", mga bilaong basta nalang iniwan sa daan at mga asong nagkakahulan ang matatanaw at maririnig sa kalsada....may mga sumisilip sa kani-kanilang mga bintana pero walang malakas na loob lumabas ng bahay...!!!

"anong nangyari sa planetang ito?.. bakit wala ng mga tao?.." takang taka si Glen ang kanilang pinuno...

"oo nga noh" palingon lingon sa paligid si Jeremy ang henyong doktor sabay kamot sa ilong

"Pinuno, pano tong dalawang lalakeng bihag natin?.."  singit ng Berdugong si Ian...

"pakawalan nyo na kami....baog na ako oh, inubos nyo na katas ko...parang awa nyo nah ibalik nyo na ako sa Earth...." nakaluhod na pagmamakaawa ni Jake sabay hawak sa binti ng Berdugo...

"ungas nasa Earth na tayo...." singit naman ni Nan

"aahhmm...BEYBS siguro naman naibigay ko ng lahat sayo, diba
nangako kang pakakawalan mo kami kapalit ng.....alam mo na..." sabay kindat kay Ar-ar ang kanang kamay ni Ian...

napatulala si Jake sa narinig.....

"WHAT?.. pinatulan mo yan Nan?... diring diri na tanong ni Jake sa kaibigan

"bestfriend for the sake of our safetyness tinaya ko na dito puri ko....tsaka naiintindihan naman kita kung di ka pumatol dyan sa Berdugong yan..,sa laki nyan sigurado kong kabayo yan nung unang buhay" bulong ni Nan sa kaibigan

"may sinasabi ka ba?..." galit na tanong ng berdugo kay Nan, sabay kinuwelyuhan siya nito...

"BEYBS OH...." sumbong ni Nan kay Ar-ar sabay kindat na kasamang kagat labi

"hoy Beki bitawan mo sya..."
"ok ka lang ba BEYBS..." awang awa na sinabi ni Ar-ar sabay halik sa pisngi nito

di maipinta ang mukha ni Jake dahil sa nasasaksihan..

"ppweeee....ang tindi mo "mamen" wala ka talagang pinipili..."
masuka sukang komento ni Jake sa matalik na kaibigan

"Tama na yang kalaswaan na yan...nakakainggit este nakakadiri kayo" saway sabay talikod ng kanilang pinunong si Glen

"boss pakawalan mo na ako...dalhin nyo na yang si Nan tutal nageenjoy naman na yan dito eh..." nilingon nya ang kaibigan na nung mga oras na yun ay nakikipagharutan kay Ar-ar

simpleng nag FUCK YOU sign si Nan sa kaibigan.....halatang di nya gusto ang mga nangyayari...kumapit lang talaga sya sa patalim para makaligtas sa kung ano man ang pwedeng masamang mangyari sa kanila....

Inisnab sya ng bilugang lalake bagkus (lalim naks) inutusan nya si Jeremy ang henyong doktor na ilabas na ang kanyang naimbentong "TORTURE MACHINE".....

DEATHTICKLE: papatayin ka nito sa kiliti, mayroon itong tila mga daliring kikiliti kung saan ka may malakas na kiliti...gamit ang kakaibang sensor matutukoy nito kung saan pinaka malakas mong kiliti....gawa ito sa purong bakal...ang sinuman na maisalang dito ay wala ng kakayahang makatakas...ang maganda naman dito mamamatay kang nakatawa...!!!

"WWWWWAAAAAAAAGGGGG PPPPOOOOO!!!!! parang awa nyo na wag po...." takot na takot at nagmamakaawang sigaw ni Jake...

"hoy OA ka ah...hindi para sayo yan...epal ka din eh noh" sabat ng henyong doktor habang inooperate ang makita

"ay ganun ba?.. sensya na...praning lang" nakahinga ng maluwag si Jake dahil sa narinig
"oh pano Nan...masaya akong nakilala kita, wag kang magalala bestfriend pa rin tayo kahit wala ka nah...peksman!!!"  sabay taas ng kanang kamay

"ulol..di para sakin yan...diba BEYBS?" biglang hapit sa beywang ni Ar-ar

"syempre naman noh...walang pwedeng manakit sayo" sabay hampas na pwet ni Nan na may kasamang pisil

napasimangot muli si Jake dahil sa nasaksihan...

"master handa na po ang DEATHTICKLE"  kamot ilong na sinabi ng henyong doktor

"bwahahahahah...." kontrabidang tawa ni Glen

"bwahahahahah..."

"bwahahahahah..."

hoy bakit di kayo tumatawa?.. saway nya sa kanyang mga tauhan

nagkatinginan ang kanyang mga hukbo at nagkibit balikat...tumawa nalang sila dahil sa inutos ng kanilang pinuno pero di talaga nila alam ang dahilan kung bakit sila tumatawa!!!

"bwahahahahah..."

"bwahahahahah..."

"bwahahahahah..."

huminto na sa pagtawa si Glen pero tuloy tuloy pa rin ang pagtawa ng kanyang mga hukbo

"tama na..." saway ni Glen sabay taas ng kamay

pero tuloy tuloy pa rin sa pagtawa ang kanyang mga hukbo nakitawa na rin si Jake....

"HHHOOOYYY!!! mga gago sabi ng tama na eh" halos mapatid na ang ugat nya sa leeg sa pagsigaw

tila walang narinig ang mga nasa paligid nya tuloy tuloy pa rin sila sa pagtawa....

"ah gano'n huh!.. oh sige ang hindi tumigil dyan sa pagtawa siya ang isasalang ko sa DEATHTICKLE" pagbabanta ni Glen sabay hawak sa beywang

biglang binalot ng katahimikan ang buong paligid walang tumawa o bumungisngis man lang...nagtakip ng bibig si Jake dahil sa takot na maisalang sa DEATHTICKLE samantalang si Nan naman ay abala sa pakikipaglampungan kay Ar-ar...

"much better,.. hoy Dr, Jeremy ilabas mo na yang aparato na yan" utos ni Glen sa mukhang retarded na Doktor.

"Opo Pinuno...." sabay kamot sa ilong

Samantala habang abala sa paghahanda ang mga dayuhang alien...abala rin sa paguusap ang dalawang magkaibigang si Reagan at ang ating bayaning si Allan

"DIS IS IT...makakapagpasikat ang ako ng todo nito Gan..."
pagmamalaki ni Allan sabay shot ng hawak na alak..

"tama ka dyan tsong...pero teka dala mo ba yung maskara mung supot?.. kinapkapan nya si Allan

"ako pa...BOY SKAWT kaya ako nung araw...hehehe" sabay bunot ng maskara mula sa likuran ng kanyang bulsa

"ayos yan...sige na simulan mo na Lan..." isang bagsak ng apir ang pinabaon nya sa kaibigan tanda ng pagsuporta nya dito...

muli isang lagok ng mahiwagang alak ang ginawa ng ating bayani....nabalot nanaman sya ng kakaibang lakas at tapang...pinunasan nya ang bibig gamit ang manggas sabay suot ng maskarang supot....

"oh pano gan...ITCH TAYM TU GOW...kaylangan na ako ng sambayan" kinindatan nya ang kaibigan at tumindig na parang si superman (nakapameywang at nakabukaka ng bahagya)

"naks...parang tanga lang ah..super herong super hero ang dating mo Lan" inakbayan ni Gan ang ating lasenggong bayani

"basag trip ka rin eh noh...ganito kasi tindig ng mga super hero na nababasa ko sa komiks..." sabay kamot sa tyan si Allan

"oh sya sige..tutal superhero ka naman na talaga eh panindigan mo na yan" pagsangayon nalang ni Kalbo



to be continue...

Friday, December 31, 2010

logic ng pagiging Lasing

Kahit na may mga taong nakakalimot sa mga ginagawa nila tuwing sila ay lasing, ang taong ito ay gustong ipagsigawan sa buong mundo na walang salitang banayad na pag-inom sa kanya. Kung ito man ay pagtatapos lang ng ikalimang Tequila, o hindi kaya ay nalampa...san ang pinakamatagal na pagtayo sa mga maliliit na bariles sa skwela, o hindi kaya ay pagsusuka sa harapan ng kanyang RA, ang taong ito may walang alam sa pagiging lasing. Akala mo nalasing ka noong Sabado ng gabi? Mahuhulaan mo ba na mas lasing pa siya sa iyo? Mas malaki ang pag-asa mo na makikitt ang Waldo sa Google Maps kaysa sa kung hanapin niya ang larawan ng sarili niya kung hindi nagdidilim ang paningin niya. Alalahanin kung paano parang napakamahilig niyang lumabas sa unang taon niya sa skwela kung kailan ang lahat ay parang naaasiwa sa parte na pakikipag-ugnayan at lahat ay gustong matulog na lang. Paunmanhin sa pagbuko sa iyo ngunit siya ay talagang nauntog nang siya ay naatasang sumagot sa dalawang katotohanan at isang kasinungalingan at nagtapat siya ukol sa kanyang pagkahilig sa kalaswaan ng Hentai. Hindi nila ito tinawag na suwero ng katotohanan nang walang dahilan.

Thursday, December 30, 2010

Pamantayan ng Isang TNL

Manifesto ng Tunay na Lalake


1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
 

2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.

3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.   

4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian

5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
 

6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.

7. Ang tunay na lalake ay umaaminng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  

8. Ang tunay na lalake ay suplado sa personal.
   

9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil
may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
 

10. Ang tunay na lalake ay umiinom ng kahit anong klase ng ALAK.


 

Wednesday, December 29, 2010

DEKADA 80 at 90

DEKADA 80 at 90

 from old network folders
 
"Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga
unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang
makiuso.

Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs.

Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo
pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman
kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,
Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending
lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala
kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin
mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang
maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno,
Syato,Luksong-Tinik,Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay
sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing
laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka
itim)at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na
puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na
kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game.(hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na
may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wresler,
si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na
namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong
dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na
kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment
at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan
nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group.(at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano,
Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression,
The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and
second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong.
Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga
larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan),
saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're
girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,
doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may
walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan
mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito
mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at
Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas
naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.
Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa
pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at
balik-balikan. Di ba?"

Twenty Questions ni Juan EKIS

Twenty Questions ni Juan EKIS





   MGA TAUHAN

   Jigs    >>     Fresh grad. Kabarkada ni Yumi.
                        Magtatrabaho bilang researcher sa isang financial firm
                             
   Yumi  >> ¬      Commercial Model. Kabarkada ni Jigs.
                        2 years ahead kay Jigs.


   TAGPO

                       Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort. Naglalatag ng kumot si
                                Jigs sa sahig habang inaayos ni Yumi ang kanyang higaan.


    YUMI     Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentle man.
                                Naaawa ako sa yo e. Tabi na tayo sa kama.
                                                          
    JIGS        Hindi, okay lang ako dito.

    YUMI      Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no
.                               Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa gitna.

    JIGS          Sure ka?

   YUMI         Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no?


    JIGS          (Matatawa) Okay ka lang?

    YUMI         Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot na divider.

   JIGS          Good idea.
                          
           Isasampay nila ang kumot mula sa kisame para mahati ang kama sa gitna
.              Magsesettle down ang dalawa. Ilalabas ni Jigs ang libro niya:
               Puppy Love and other Stories ni F. Sionil Jose.

           Si Yumi naman ay magpapatugtog ng Japanese Zen Music habang nagsa-zazen.

  YUMI          Do you mind?

 JIGS           No, go ahead. I m just reading.

          Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs.
                Pareho silang di maka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player niya

  YUMI        I can't believe our friends.

  JIGS           Oo nga e.

  YUMI        Dapat ginagawa nila ito sa mga bagong  pasok sa barkada o kaya sa
                                bagong...ay oo nga pala. Bagong graduate ka. Congrats.

  JIGS            Thanks.

  YUMI          So what are your plans?

  JIGS            Kinukuha akong researcher sa ADB.
                                Kinukuha rin ako ng BPI sa OTP nila.
              
 YUMI         Wow naman. In demand.

 JIGS             Di naman masyado. Who the hell invented this tradition anyway?

 YUMI           (Matatawa) You won t believe it.

 JIGS             Ikaw?

 YUM            I Malay ko ba na mabibiktima rin ako nito balang-araw.

JIGS              So why did you start it?

YUMI           Wala ka pa sa tropa nun e. Freshman ka pa lang siguro noon.
.                                Wala lang. Napagtripan lang namin si Ronald. E may crush siya kay Meg.
                                 Noong unang beses magpunta rito ng barkada sabi ko,
                                 magsimula kami ng tradition. Ilo-lottery namin ang pangalan ng mga lalaki
                                 at ng mga babae. Kung sino ang mabubunot, silang dalawa ang pagsasamahin sa
                                 isang kwarto sa loob ng tatlong araw. And then, we ll all see what happens.
                                 Pero dinaya namin noon yung kay Ronald at Meg. Puro Ronald at
                                 Meg ang mga pangalan na nakalagay sa lottery.
                                                            
JIGS          (Tatawa) Ang sama ninyo!

YUMI        Kaya nga nakarma na ako e.

JIGS           So is our case, dinaya? O talagang lottery?

YUMI         (Teasing) Ano sa dalawa ang gusto mo?

JIGS          Feeling ko may nagtrip sa kin sa barkada e.

YUMI        Excuse me po, dalawa tayong biktima dito. I don t see any reason
                              kung bakit tayong dalawa ang sasadyaing biktima this year,
                              unless may crush ka sa kin na di ko alam at alam nila
                        (tatawa).

JIGS          Baka ikaw (tatawa).

YUMI       The success rate of this tradition is 100% so far
.
JIGS          I was here na the 2nd time. Si Chris at si Cia ang biktima.

YUMI        And last year were Rod and Kay. They are getting married kailan?
                               Sa  June yata.
                       .
   JIGS        What do you expect? Ikukulong mo ang isang lalaki at isang babae
                             sa isang kwarto for three days, imposibleng
                             walang mangyari doon!

YUMI         That was exactly my point. (Ngingiti)

JIGS          E kung may madisgrasya?

YUMI       Ano ng disgrasya?

JIGS        Alam mo na iyun!

      Hahawiin ni Yumi ang divider nilang kumot.

YUMI       Ano? Sex? Pa no kung magsex sila?
                       Nakakatawa ka naman. Di mo masabi.
                              
JIGS         Ang alin?

YUMI         Ang sex!

JIGS            Hah!

YUMI         Sige nga sabihin mo nga?

 JIGS          Para kang tanga. Tumigil ka nga.

YUMI         Shet, Jigs. Graduate ka na totoy ka pa rin!

 JIGS         Excuse me?

YUMI        Sabihin mo nga: Sex! Sex! Sex! Sex!

JIGS           Para kang bata, Yumi ha.

YUMI         You used to call me ate Yumi when you were in third year
.
JIGS           Well, graduate na po ako, ate Yumi.

      Tahimik.

JIGS           Hmmm. I wonder if we re gonna last three days.

YUMI        (Teasing) Bakit? Ayaw mo sa kin?

       Di sasagot si Jigs.

 YUMI      We re gonna survive this one.

JIGS         What makes you so sure?

 YUMI       No offense, Jigs. I honestly find you very attractive pero I ve
                             no time for this. Alam mo naman siguro na kaka9

JIGS          Same here.

YUMI        Same here what? Na you find me attractive o you don t have time
                          for this? (Matatawa)

       Di sasagot si Jigs. Tahimik. Io-on ulit ni Yumi ang CD player at
             ipagpapatuloy ang zazen. Itatabi ni Jigs ang libro. Nawalan na siya ng
             ganang magbasa. Pupunta siya sa ref.
             Bubuksan niya ito.

JIGS        Hah! (Sarcastic) Perfect! Red Wine!
                          How very conducive.

YUMI       May chips ba diyan?

JIGS         Sa awa ng Diyos, may tsibog naman.

       Papatayin ni Yumi ang CD player. Tatayo siya at kukuha ng chips sa
               ibabaw ng ref.

YUMI         Since we re gonna be stuck naman with each other for three days,
                       might as well make the best out of it di ba? I-enjoy na lang natin
.
JIGS             What do you mean?

YUMI        Get the wine, let s have a drink!
                            50 hours to go na lang and we re gonna be the first failure of this tradition.
                                                           
JIGS           Oo nga. (Kukunin ang wine. Maglalagay sa dalawang baso.)
                        When they chose Cia and Chris, naiintindihan ko pa e
                        Lalo na sina Rod and Kay. Kung baga, tinulungan lang natin silang
                         umamin sa isa t isa. Pero us...
                                                          .
YUMI          Weird ng barkada natin no?

JIGS             To our barkada and our weird traditions!

 YUMI            To us, the first failure of this tradition!

           Magto-toast sila at iinom.

JIGS             Sige, ate Yumi. Let s make our stay here more interesting...

YUMI           What s with the ate?

JIGS             Fine...

            Bubuksan ni Yumi ang chips. Uupo sila pareho sa sahig para magkwentuhan.
                              
JIGS          Let s play twenty questions.

YUMI        Sige! Ano yon?

JIGS         Each of us will have ten questions each. Tatanungin kita,
                           tatanungin mo ako, mga gusto nating malaman sa isa t isa. Alternate
                           tayo. Pero the thing here is, you can t ask the question that I already asked.
                           .
 YUMI         That s pretty interesting.

 JIGS            At bawal magsinungaling.

 YUMI           Fair enough. Pero whatever is said inside this room remains in the room. Ok?
                                                             
 JIGS           Of course. You wanna start?

 YUMI            No. I want to ask the last question.
                         (Ngingiti at kikindatan si Jigs)
                            
JIGS             Smart move. Game. First question: Ano ang greatest frustration mo sa buhay?
                                                             
 YUMI            Nge. Ang korni naman ng tanong mo.
                              Walang ka-challenge-challenge. Ask me something na mag-iisip naman ako.
                                                             
JIGS             Simula pa lang e.

YUMI              Sige. Ano nga ba...?

JIGS                 Akala ko ba walang ka-challenge-challenge?

YUMI                Wag kang maingay, nag-iisip ako...I m a frustrated ballet dancer.
                             
JIGS               Talaga?

 YUMI              I took lessons when I was six pero umayaw ako. Wala kasi akong disiplina e.
                             Mas gusto kong makipaglaro sa mga kalaro ko. Pero I
                             really enjoy watching ballet dancers. When I see them dance parati
                             kong naiisip na sana, ako rin. There! Ang dali naman ng tanong mo Walang thrill
.
JIGS                Appetizer lang. Yari ka sa kin mamaya.

YUMI              We ll see. Ako naman: Did you ever have doubts about your sexuality?
                           I mean, kahit minsan ba, naisip mo na bakla ka?

JIGS               Never.

YUMI              Bilis ng sagot a.

JIGS               Coz I never entertained the idea.

YUMI               Homophobe ka ba?

JIGS               Alternate tayo sa tanungan, di ba?

YUMI               So, not once? Kahit konti? Kahit what if lang?

JIGS                I m straight, okay?

YUMI               I m not asking if you re gay or not. Im asking kung...

JIGS               Never nga.

YUMI                We all thought na you were gay. Well at least nung first few
                             months mo sa tropa before you introduced your girlfriend to us.

JIGS               What?! You thought I was gay?!

YUMI               E pa no kasi, masyado kang mabait. Ang pogi-pogi mo, pero parang
                            allergic ka sa mga babae. Over ang pagiging gentleman mo.'Too good to
                            be true. You have a good body, it seems that you work out pero iniisip
                            namin front mo lang yun. Kadalasan kasi front ng mga bakla ang
                            pagiging maganda ng katawan nila at pagiging sporty...

               Tatawa lang si Jigs.

YUMI                So we thought it s either that or you were planning to become a priest.
                              
JIGS                 What?!

 YUMI               Well, you were always this goody-goody person. Pumupunta ka sa
                                 chapel. Nangungumpisal, nagsisimba...

JIGS                The way you said it, parang equivalent ang dalawa a.

YUMI               Of course not. I didn t mean that!

JIGS               I take my faith seriously. That doesnt make me gay!

YUMI              So you did want to become a priest...

JIGS              Hindi rin. Actually, I always wanted to raise a family...and be a father.
                                                             
        Tahimik.

YUMI             So you re not gay.

JIGS              No.

YUMI             You never...

JIGS              Ilang beses ka ba ipinanganak? Kulit mo e. It s my turn.

YUMI             Homophobe ka no?

JIGS             Hindi kaya!

YUMI            Whatever...

JIGS             Ako na, daya mo naman e.

YUMI              Okay, okay. Shoot me.

JIGS               How do you see yourself five years from now?

 YUMI             You expect to win this game? Ang kokorni ng mga tanong mo e.

JIGS              The object of this game is not to win.

YUMI             E ano pa ba?

JIGS              To get to know the other person.

 YUMI            Sure. Basta ako, I will win this game. .
                          Walang thrill ang isang game kung walang nananalo
\
JIGS            Sagot.

YUMI             May time limit ba ito? (Tatawa) Wine pa nga
.
 JIGS            Sabi nga nila: in vino veritas.

        Magsasalin si Jigs ng wine.

YUMI               Masarap ang wine, ha? Saan kaya nabili ito? (Iinom) To answer
                             your question, either maging entrepreneur ako, magsisimula ako ng sarili
                             kong botique or bar, o kaya, magiging artista ako sa pelikula
.
JIGS                Not bad.

YUMI              Pero mukhang malabo yung stint ko sa movies. Tough ang competition e.
                            Saka mahina ang manager ko. Panay hosting at pictorials ang
                             nakukuhang raket para sa akin. Papalitan ko na nga e. Pag nakaipon
                             ako, baka magtayo na lang ako ng botique.   
                              .
JIGS               (Magbibiro) Ayaw mo mag-bold?

YUMI              Yuck!

JIGS                Lahat ng gustong mag-artista doon dumadaan.

YUMI                May talent naman ako kahit papano a!

JIGS               Lahat naman ng bold star may talent a! Sa dibdib! (Tatawa)

YUMI                 (Hahampasin ng unan si Jigs) Bastos ka talaga! Akala ko
                                goody-goody ka...Hindi ko pa! patulan ang pagbobold kahit ano ng
                                mangyari no! Kahit ganito ako, may respeto pa rin naman ako sa sarili ko.
                              
JIGS                Ganito? Ano ng ganito?

            Di sasagutin ni Yumi ang tanong.

YUMI              These producers think all the people want is sex, sex, sex! Kaya
                        puro basura ang mga pelikula e. Wine pa nga!

JIGS                (Magsasalin ng wine) Bakit naman botique?

YUMI                Hoy madaya ka na ha? Hindi pa ako lasing. Ako na ng magtatanong.
                                Ang korni mo namang magtanong. Bigatan naman natin nang konti...
                                 Inom ka muna.
                              
            Iinom si Jigs. Magsasalin siya ng bago.

YUMI            Who was your first crush in the barkada?

            Tahimik.

YUMI              Haha! Bingo ka no? Bagal mo naman sumagot.

              Iinumin ang wine. Magsasalin ng bago.

JIGS                Lalaki o babae?

           Tatawa sila pareho.

YUMI               Dapat may time limit ito e.

           Tahimik.

JIGS             Hirap naman ng tanong mo.

 YUMI           Iyon nga ang maganda e. Para may thrill. As if naman ibo-broadcast
                                ko sa barkada kung sino.

JIGS              Wine pa?

 YUMI            Di mo pa sinasagot yung tanong ko,nagtatanong ka na!

           Magsasalin ng wine si Jigs kay Yumi.

 JIGS            Yung crush ko kasi...siyempre, sino pa ba? E di yung pinakamaganda sa barkada                                                        .

 YUMI             Nge. Subjective yon no! Para sa kin ang pinakagwapo si Joel. Sa
                               babae, si Kay. Para kay Ronald, si Meg...

JIGS              Yung literally na may dating walang tanung-tanong. Yung kahit
                                sino ng tanungin mo sa tropa, objectively, siya ang isasagot
.
YUMI               Jigs, twenty questions ang game natin. Hindi guessing game
.                               C mon man. Play your own game. Pa no na kung truth or dare to e di pahirapan
                                 na. Dadalawa na nga lang tayo e.
                                  
JIGS                Yung commercial model.

             Matitigilan si Yumi.

 YUMI                  Wine pa nga.

             Magsasalin si Jigs. Mag-iisip si Yumi. Iinom. Biglang matatawa
.
  YUMI                 (Tumatawa pa rin) Talaga?

  JIGS                Sige, pagtawanan ba?

   YUMI               You can say it to my face, I won t bite. Bakit hirap na hirap kang
                                    sabihin kung sino? Takot kang ma-reject? Parang tanong lang e...
                                     Wine pa nga!
                              
  JIGS                Okay, 1 point ka na...

 YUMI                (Ngiti) Gee...thanks. Flattered naman ako. At kailan naman nangyari ito?
                              
 JIGS                 Sorry, my turn to ask. (Ngingiti) Who is your crush in the barkada...NOW?

  YUMI               E ginaya mo lang yung tanong ko e.

 JIGS                 Hinde no. May qualifier ako. Ang sabi ko, NOW. Ang tanong mo, first crush ko.
                              
  YUMI              Korni pa rin.Alam mo, kung basketball ito, tambak ka na.
.
  JIGS              Just answer the question.

 YUMI              Siyempre wala. I told you, I don t have time for these stuff.
                             Kakabreak ko lang di ba?

 JIGS               Korni mo namang sumagot.

YUMI                E korni yung tanong e. Pero kung talagang-talagang kailangan kong
                                sumagot...hmmm...teka...sino nga ba? Sino ba ng crush material sa
                                barkada? Wala akong maisip e. Ikaw na lang.

JIGS                Yung seryoso naman.

YUMI                Seryoso ako. Ayaw mo yata e. Sige, iba na lang...

JIGS                E napipilitan ka lang e.

 YUMI               Uy! Pa no ba yan? MU na tayo? Crush mo ko, crush kita...yiheee (Tatawa).
                              
JIGS                Dati pa iyon no!

YUMI               Ay? Di mo na ko crush? Bakit, na turn-off ka? Ano namang ginawa ko? Tsk. Tsk
                             .
JIGS                Is that your question na?

YUMI                 Oy, hinde! Ito naman...di ba pwedeng mag-follow-up?

      Iinom ng wine si Jigs

YUMI                Fine. Here s a little juicy question: Describe your first kiss.

JIGS                  That s not even a question.

YUMI                   Arte mo. O: How was your first kiss like?

          Matatawa si Jigs.

JIGS                 Wet.

 YUMI               Yuck!

          Magtatawanan sila.

JIGS              Alam mo, aksidente yung first kiss ko. Close kasi kami nung isa kong kaibigan.
                              Pag naggu-goodbye ako sa kanya, parati ko siyang kini-kiss sa noo.
                              E one time, sa gym habang nagpapahinga, nakaupo siya sa sahig.
                              Tinatamad siyang tumayo. So bumaba ako nang konti para halikan siya sa noo
                              si pauwi na ako. E, siya naman, para maabot ko, medyo tumingala
                              E sakto, sa lips ko siya nahalikan. Pareho kaming nagulat.
                              Pero di pa kami naghiwalay agad Weird nga ang feeling e.
              .               Parang may glue! . Ayaw na namin maghiwalay pareho...

              Tawa pa rin si Yumi

 YUMI           Awww. Ang sweet naman. Parang sa pelikula. Si Krissy ba ito?

JIGS             Hindi. Hindi mo siya kilala.

YUMI           So what happened? Nagkatuluyan kayo?

 JIGS             Nope.

 YUMI             Ha?

 JIGS             Ewan ko ba. Complicated kasi yung situation namin e. May
                              boyfriend siya noon. Ako naman, takot pa sa isang
                                relationship. Pero at least, na-discover namin na pareho pala kaming may
                                gusto sa isa t isa. Pero hanggang doon na lang.
                             
 YUMI            What happened after?

 JIGS             We talked about it. We both decided na  it wont work. Tapos,
                               bigla na lang, hindi na kami nagkikita. And then, I met you guys, iba na ang barkada ko.
                              
 YUMI           Nakakatuwa naman.

 JIGS             Ikaw, pa no yung first kiss mo?

  YUMI            Ikaw ang nagturo sa ak! in ng game na ito di ba? Bakit ba lagi
                               mong bini-break ang rules? Di mo na pwedeng tanungin iyan!!

JIGS          Tine-testing ko lang kung lasing ka na. (Iinom ng wine) Okay,
                            naka-warm-up na ako: What was the naughtiest thing you ever did?

 YUMI            iYan ang mga tanong! Ano  ba ng ibig mong sabihin ng naughty?

 JIGS           Bahala kang mag-define.

 YUMI           Hmmm...marami e...(matatawa) baka maeskandalo ka.

 JIGS            Kanina ayaw mo ng korni. Ngayong medyo exciting naman...

 YUMI            Eto na...I had two boyfriends at the same time.

JIGS              (Nagulat) Hala.

 YUMI            I was with Joel and Zach at the same time.

 JIGS            Yikes. Alam ba ni Joel?

YUMI            Kaya nga kami naghiwalay nun e. Nahuli ako (matatawa).

JIGS             Ano namang pumasok sa kukote mo't ginawa mo iyon, aber?

 YUMI            Nag-eexperiment lang! ako. E sa type ko sila pareho e. Ano ng
                          magagawa ko? Saka para may thrill. Alam mo iyon? Yung patago kang
                           nakikipag-date sa isa para di mahuli. Everyday pa akong nakakalibre,
                           kasi, alternate sila! (Tatawa) Akala n yo kayo lang mga lalaki ang
                           pwedeng gumawa no n?

 JIGS           How can you love two guys at the same time?

  YUMI          Who said something about love? Walang kinalaman ang love dun
                             I  was...having fun!
                              
 JIGS             Nainlove ka na ba, ever?

 YUMI             Nakakailang tanong ka na? It s my turn.

  JIGS            Don t you want to answer the question anyway?

 YUMI             My turn!

 JIGS              Kulang ka pa sa wine. (Tatawa)

       Ubos na ang unang wine bottle. Kukuha si Jigs ng isa pa sa ref.

 JIGS             Ang bilis nating uminom a.

 YUMI             Are you still a virgin?

 JIGS              Whoa! Where did that come from?

  YUMI            That s my fourth question.

  JIGS           (Magsasalin ng wine sa mga baso). Ano sa tingin mo?

         Ngingiti si Jigs. Tititigan lang siya ni Yumi.

YUMI          Don t tell me, wala pang nangyayari sa inyo ni Krissy hanggang
                                ngayon? Ilang taon na ba kayo?

JIGS           Mag-tu-two years na sana next week.

YUMI           So virgin ka pa? I don t believe it!

JIGS          Mukha ba akong tarantado?

YUMI           Mukha kang nagpapaiyak ng babae e.

JIGS            Insulto ba iyon?

YUMI            Compliment iyon, tanga.

JIGS            Ah, okay. Thanks.

YUMI           Pero, you mean, you never felt the  urge to do it?

JIGS          Alin? Sex?

YUMI           Wow! Nasabi rin niya!

JIGS            Of course I always feel it. Natural lang iyon sa tao no?
                         Nasa iyo na lang iyan kung ano ng gagawin mo sa urgena iyon.

YUMI            E natural naman pala e. Bakit mo  pinipigilan? I mean, pag naiihi
                                ka, iihi ka. Pag nagugutom ka, kakain ka.Pareho lang iyon, di ba?

 JIGS           Pag naiihi ka, iihi ka dahil kailangan mong umihi. At hindi ka
                                iihi kahit saan. Pupunta ka sa banyo. Pag nagugutom ka, kakain ka
                                dahil kailangan. At hindi mo kinakain ang lahat ng pagkain na ihain sa
                                iyo. Pag di ka gutom, di ka kakain. Pag di mo gusto yung pagkain, di
                                mo gagalawin. Ang aso, pag may nakitang pagkain diyan, walang
                                tanung-tanong. Lalamon iyan.

  YUMI            And sex is the same?

  JIGS             Lahat ng bagay, nilalagay sa lugar. May context. At least, yun
                               ang  nagpaiba sa atin sa aso.

  YUMI            Grabe ka namang magsalita. Para mo n ring sinabing lahat ng
                                nakikipagsex, aso ah!

   JIGS             Sinasabi ko lang, pag wala sa tamang konteksto, mali.

   YUMI               And what is that context?

  JIGS              Matanda na tayo. Ayokong maging preachy. Alam na natin iyan.

          Tahimik.

 JIGS            Kaso, kahit alam na natin, minsan di pa rin natin ginagawa.

          Tahimik.

 JIGS              Masarap e. Sino ba ng ayaw nun?

          Tahimik.
 YUMI           (Medyo nairita) So feeling mo santo ka at dapat kang  i-congratulate for being a virgin!

 JIGS          Sinasabi ko lang ang pinaniniwalaan ko. Ineexplain ko lang kung
                        bakit di ko ginagawa. May kanya-kanya tayong dahilan. Di ko pinipilit
                        kahit kanino ang mga paniniwala ko...No  need to get so cross about it, Yumi.

            Tahimik.
JIGS        It's not about being a virgin or not. It s about putting things
                      into their proper places.

YUMI         I m not arguing with you.

JIGS          Me neither. I m just answering your questions.

         Matagal na katahimikan.

         Ngingiti si Jigs. Titignan niya si Yumi na medyo nairita sa nakaraang
                 train of conversation nila. Magsasalin siya ng wine para kay Yumi.

JIGS          Nasobrahan ka na yata sa wine e.
          (Tatawa) You still wanna go on with the game? Nine pa lang tayo, eleven more to go. (Ngingiti)

YUMI          Shoot me.

JIGS           Who was your first lay?

 YUMI         (Hahampasin ng unan si Jigs) Ang bastos mo talaga! So inaassume
                            mo na hindi na ako virgin?

 JIGS          E sabi mo kasi, walang thrill ang game pag walang nananalo e. So                               I
                         I guess I m winning. Saka wala naman akong  inimply na ganun a! I m just
                          hitting two birds with one stone. Kasi kung virgin ka, e di simple
                          lang ang sagot: wala. Kung hindi naman, e di sino?

  YUMI          Ang daya mo.

  JIGS           Akala ko ba ayaw mo ng korning tanong.

  YUMI           You think I ll answer that after giving your sermon, Father Jigs?

 JIGS            Ano ka ba? Inexplain ko lang yung personal reasons ko. Kung ano
                            man ang sa iyo, I ll respect them as well as I know you respect mine.
                             I m no saint. I m just trying to get to know you better. (Ngingiti)

 YUMI           How do you do that?

 JIGS             Alin?

  YUMI            I should have walked out on you kanina pa pero the way you say
                              things...parang bumabaliktad sa yo...makes you more...charming. Kung
                              ibang tao ka siguro, di na kita kakausapin.

 JIGS           You can t walk out. We re locked here for three days except for meals.

 YUMI         So I m forced to like you para di masira ang vacation ko.
                                (Ngingiti)

JIGS             You don t have to answer my question if you don t want.

 YUMI            I guess I ll be honest with you as you we! re honest with me...

         Tahimik. Iinom ng wine si Yumi.

YUMI            Di mo siya kilala. His name was Robert. He was my first boyfriend.
                       It was Senior Prom Night. Alam mo na...typical senior prom story.
                       Everyone wants to lose it on prom night. Everyone thinks na pag prom
                       night, it was something special. We went out sa hall nang maaga. We
                       made out sa kotse niya. One thing led to the other. Tapos, yun...yun
                       na. We went back just in time for the awarding of the prom queen.
                        Guess what, I won pa. (Mahinang tawa)

JIGS           What was it like?

YUMI            Now that I look back, it isn t as special as I thought it was.
                            Pero it was different then. Back then, we were just led by our
                            passions. Alam mo yon? Andun ka na. Hormones raging wild. Passions and
                            Ideals are confused. Akala mo love, yun pala, curious ka lang pala.
                           Akala mo yun na yon. Akala mo you are in-love at lahat ng gawin mo
                           tama. Lahat ng gawin mo perfect. Everything was magical...well, almost.

 JIGS           Almost...?

 YUMI            Sa next question mo na iyan. Ako na.

  JIGS           (Pabiro) Wine pa? Kulang ka pa yata e.

 YUMI             Nilalasing mo ko no? May balak ka sakin no? (Tatawa)

 JIGS           Is that your question? Sasagutin ko na. (Tatawa)

 YUMI           Engot. Hindi iyon. Here s something na curious lang ako. Kasi I ve
                             been hearing things...saka you ve hinted on it na rin kanina...Are you
                              still with Krissy?

JIGS            Hindi na.

YUMI           Since when?

JIGS           Two, maybe three weeks ago?

 YUMI           Sino ng nakipag-break?

 JIGS           Pareho kami.

 YUMI          Why?

 JIGS          Maraming dahilan, actually. Naisip na lang namin na it won t  work.
                             Isa na do n, magkai! ba kami ng gustong mangyari sa buhay.
                             Magkaiba kami ng mga pinaniniwalaan.

 YUMI         Like what?

 JIGS          Maram

 YUMI          At ngayon mo lang nalaman iyon after two years with her?

 JIGS          People change, Yumi.

           Tahimik.

JIGS          Right before graduation, she asked me to move in with her.

 YUMI         Talaga?

 JIGS          Sabi niya, doon na naman din daw papunta ang relasyon namin.
                        Might  as well practice na raw for the real thing.Tutal, she s working na
                        naman, ako naman bagong graduate, we should try out na raw living
                         together if it ll work for us.

 YUMI           Natakot ka sa arrangement?

JIGS          Hindi naman sa natakot. If you love someone, ano pa ng ikakatakot mo, di ba?

YUMI          E bakit umayaw ka?

JIGS           It s just that, it s not my thing.

 YUMI          Sabi na nga ba e, bakla ka no? Sinasayang mo ang opportunities!
                            (Matatawa)

 JIGS         Hindi ako oportunista. At lalong hindi ako bakla.

YUMI          Fine.

 JIGS           Naisip ko lang na hindi pa pala ako handa sa mga ganitong bagay.
                          Wala pa sa isip ko ang gano n. Na-shock siguro ako sa reality na iyon
                          na nga ang next step sa relationship namin.I mean, two years of being
                          together and knowing each other, we re practically ready to get
                          married, if you know what I mean. Pero I realized, I m not ready for
                          any of these. Narealize ko how immature I am. Na iba yung ideals ko
                           two years ago sa ideals ko ngayon. I need to mature some more to get
                           into this thing I mean, getting married.Diyos ko, ilang taon lang ba ako...

 YUMI          Maturity has nothing to do with age.

JIGS          But it has a lot to do with time.

         Tahimik.

JIGS         So I thought, bakit kailangan ng practice mode? Ibig sabihin,  pag
                       sumablay kami, split na kami? Live like a couple minus the commitment?
                        Pa no pag nawala na yung magic? Goodbye na?

        Iinom ng wine si Jigs.

JIGS       Kung kasal na, kasal na. Wala nang practice. I think that s the
                    real cowardice. Yung i-try muna natin kung it will work kasi takot
                    kayo na baka hindi maging successful ang outcome. Saan na napunta ang
                    excitement ng buhay? Kaya nga kayo in-love, para sabay kayong humarap
                    sa totoong buhay, sa hirap at ginahawa, di ba? (Matatawa) Hindi yung
                    pagpapraktisan muna ninyo para siguradong ginhawa lang.

        Magkikibit-balikat lang si Jigs.

YUMI        Are you always like that?

 JIGS           Like what?

YUMI         So cerebral in everything. Kahit pagdating sa relationships.

JIGS           Life is too precious para lang daanin sa trial and error.

          Ngingiti si Jigs. Tahimik.

YUMI           So, No hard feelings?

JIGS            Friends pa rin kami. She still calls me up nga sa bahay e.

 YUMI         That s nice.

JIGS            Kayo, bakit kayo nagbreak ni Carlo?

 YUMI          That s your sixth na ha?

 JIGS          Sure.

 YUMI           Alam mo, ironic para sa akin yung break-up namin ni Carlo. And
                         the funny thing was, it was about...sex. Uy, sa atin lang ito ha

JIGS          Of course.

 YUMI          Kasi nga, I was looking for that magic nga di ba? I wanted to be
                         in a relationship na special naman. So of kanya lang ako walang sexual relationship.
                         As in nag-aabstain talaga  ako. Kasi parang naisip ko, para magkaroon
                         naman ng meaning yung  making love di ba? Parang, dapat di mo
                         parating ginagawa, at  ginagawa mo lang when you are sincere with
                         yourself and with your  partner. So I was investing muna emotionally. And I was actually
                         starting to care about him. Yung, hindi ko na iniisip yung sarili ko.
                         Yung siya lang ang inaalala ko. Akala ko perfect na...

JIGS            Ano ng nangyari?

 YUMI          Patunayan ko raw na mahal ko siya.Magbigay daw ako ng proof.
                         Pagbigyan ko raw siya. Sabi ko sa kanya, hndi pa ba sapat na proof
                         iyon? Na Im saving myself for that right moment, that special moment
                          between us? Alam mo ng ginawa? Nilayasan ako!

 JIGS           You deserve someone better.

YUMI           Talaga!

YUMI           Isipin mo, kung kelan naman I grew tired of meaningless sex,
                          when  Im looking for the real thing, saka naman mawawala. Ang ironic ng
                          buhay no?

 JIGS           That s the way w!e must learn.

 YUMI            Alam mo, kung tutuusin, never ko pang na-experience yung tunay
                            na  mag make-love. And I had to go all through those relationships para
                            lang ma-realize yun. At least, ngayon, alam ko na ang hinahanap ko.

           Iinom ng wine.

  YUMI         Ikaw ba, importante sa yo na virgin ang mapapangasawa mo? How do
                               you see virginity ba?

   JIGS          Alam mo, di ko pa napag-isipan iyan. Pero now that you ve mentioned it...
                           It doesn t matter kung virgin ang mapangasawa ko o  hindi. Of course I value virginity a lot. I
                           treat it as the only real  gift I could give to my wife to be. Imaginin mo na lang di ba, kung
                            wife ko ang una ko. It s like the perfect wedding gift I could give to
                            her. Pero kung siya hindi na virgin, I wouldn t care. As long as mahal
                            ko siya. Kasi I don t expect her to give me the same gift. I don t do
                            something because I! expect people to do the same to me. Ibigay niya sa
                            akin ang sarili niya nang buong-buo, sapat na sa akin iyon. Masaya na
                           ako sa ganoon.

   YUMI            (Mapapangiti si Yumi.) You know, thats the nicest thing I ever heard from a guy.
                             That s why I always enjoy talking to you. You always  say the nicest things.

  JIGS            Wow. Salamat. E ikaw, is making love to you equal to love?

 YUMI           I always took sex and love as opposite ideas. I mean, after the  first time na...you know...
                          sa Senior prom. Kasi afterwards, we broke up na ni Robert. Tapos naisip ko, yun na ba
                          yung love? Baka hindi love  yung naramdaman ko. Baka napagkamalan ko
                         lang siyang love. I was just  after the pleasure of intimacy. And then I
                         felt empty. So empty. That s why I wanted to change. I wanted to
                         believe in making love.  And I m still looking for it. Yung magic.
                         Yung feeling mo, tao ka  pala. I never felt that kahit isang beses.
                         Men have penetrated my body  but never my soul. And I wanted that. I
                        wanted someone to touch my soul. To make love to my soul through my
                         body. Pero siguro, naging  numb na ko sa dami ng relasyong pinagdaanan
                        ko. Hindi ko alam kung mararanasan ko pa iyon. That s why I envy you.

             Tahimik.

 YUMI           Sa tingin mo may pag-asa pa ako?

  JIGS           You still have your soul...(Ngingiti)

               Tahimik.

 YUMI            With whom would you want to experience it?

  JIGS           Of course, sa asawa ko.

 YUMI          I mean, someone in particular. Take it as my seventh question.
                           So give a name.

JIGS           A name? Hindi ko alam. Basta kung sino ang magiging asawa ko.

          Tahimik. Magkikibit-balikat si Yumi. Iinom ng wine.

JIGS            Well, I always thought na it was Krissy. And then,it was just
                                gone. Of course I loved her. And I still do. Pero the magic was just
                                gone after we both found out na magkaiba kami ng mga prinsipyo sa
                                buhay.

        Tahimik.

JIGS         My turn?

 YUMI        Shoot me.

 JIGS             Tell me something...a secret. Yung wala kahit isang nakakaalam.

           Matagal na katahimikan.

 IGS              You trust me naman di ba?

 YUMI            Well, you ve earned it, alright.

 JIGS            Saka wala akong tinatago sa yo. Sinagot ko lahat ng tanong mo as
                               honestly as I could. (Ngingiti)

  YUMI          I uhm...

  JIGS           Yes...?

  YUMI            I need more wine.

        Magsasalin si Jigs ng wine.

 JIGS                Take your time. We have less than fifty hours to go.

          Iinom ng wine si Yumi.

  YUMI             I ll tell you something no one in the world knows exce! pt one
                              other person. And that person probably forgot all about me already.

  JIGS           (Pabiro) What? You had sex with a stranger?

  YUMI              Ano ka ba?

  JIGS             Biro lang. Seryoso na.

   YUMI             Promise ha? Hindi ito lalabas.

   JIGS             Promise.

  YUMI           If this goes out, I will hunt you kahit sa libingan mo. Huhukayin kita at papatayin kita ulit.

  JIGS             Mamatay man ako ngayon.

  YUMI           Okay...(Pause) I...I was with Joel then... (Magiging mas seryoso  ang tono niya) ...and Zach.
                             I wasn t really with Zach, I was just  going out with him pag wala si Joel, alam
                             mo na...making out and stuff...Well, anyway, I was kinda serious din naman with Joel that
                             time. Joel and I were...you know...doing it. And...

JIGS              And...?

YUMI             Uhm...I...uhm...I got pregnant.

 JIGS            What?

       Tahimik. Iinom ng wine si Yumi

YUMI          I uhm...shit. Hindi ko naman talaga ginusto e. Uhm...Two months
                         akong delayed...then I took that test. I found out na buntis nga
                          ako...and Joel found out about Zach (maluha-luha na) and I didn t know
                          what to say, you know? Maniniwala ba naman sa akin si Joel na naaliw
                           lang ako kay Zach? Na I didn t really love him? Na wala lang iyon? And
                          so he broke up with me and...I..uhm...I was afraid and uhm...
                           (Magsisimula siyang magbreak-down)

JIGS               It's okay...

 YUMI         I uhm...hindi ko na alam ang gagawin  ko, Joel left me. I wanted
                          to tell him about the baby to make him come back but I don't think
                          he'd believe me after the thing with Zach...and...my parents are gonna
                           kill me if...shit. (iiyak)

JIGS            (lalapit kay Yumi para i-console ito)
                             Ssshhh...you don t have to tell me this if it upsets you...

YUMI            And so I went to a clinic...(hahagulgol) I didn t mean to, Jigs.
                           I wasn't myself then. And I felt so afraid. So alone...

 JIGS            Tahan na. Ssshhh...

            Iiyak lang si Yumi kay Jigs. Yayakapin ni Jigs si Yumi.

JIGS             Alam ba ito ni Joel?

YUMI              How can I tell him? The only other person na nakakaalam ay yung
                                duktor sa clinic. God...(iiyak) Oh God...

JIGS              It's alright...

      Hihimasin ni Jigs ang likod ni Yumi. Patatahanin niya ito. Matagal
                   silang nakaganito lang.

      Matagal na katahimikan.

 YUMI           Can you get me my yosi?

             Tatayo si Jigs. Pupunta sa may side table sa tabi ng kama. Kukunin ang
              Yosi ni Yumi. Magsisindi siya ng isa at iaabot kay Yumi.

 YUMI             Thanks...

              Matagal na katahimikan.

YUMI            If we were...if we were the last two people on earth, would you
                             consider doing it with me?

JIGS           Doing what?

YUMI           Alam mo na...

JIGS            Alin? (Teasing ngingiti)

 YUMI            Gago mo. (Ngingiti)

 JIGS              Ngumiti rin.

 YUMI             So? Would you?

 JIGS            Alin nga? Di mo masabi no? Bakit di mo masabi? (Pagtatawanan si
                                Yumi) Sabihin mo nga: Sex! Sex! Sex! Sex!

YUMI              Shut up nga!

 JIGS             That's your eight na, ha?

YUMI               I lost count. Answer it.

JIGS                Why not?

               Hihithit ng yosi si Yumi. Tahimik. Sasandal  si Yumi sa balikat ni Jigs.

 JIGS             If you could be something else, what would you be?

 YUMI          I dunno...maybe a violin...yeah. Violin siguro.

JIGS          Bakit?

YUMI          I always saw the relationship of a violin and its player as very
                             intimate. Pag tumutugtog ang violinist, ang nakikita ko at naririnig
                             ko, he strokes the soul of the instrument  and the instrument
                             penetrates the soul of the player. Para   silang nagmi-make love. Di ba?
                             Very sexy, very intimate, very sublime. Di ba? Pareho silang sincere
                              sa isa't isa. Dahil kung hindi sila sincere, walang music na mabubuo.
                              The violin surrenders her body to her player, her whole body and her
                              whole soul, in full trust and sincerity. Di ba, compared to the sound
                             of the other instruments, ang tunog ng violin parang isang naked
                              woman? A naked woman in surrender? I want to be a violin. I want to be
                              stroked in the soul. I want to make sincere usic. I want to
                              experience the sound of love.

              Tahimik.

JIGS             Lalim nun ah. (Ngingiti

YUMI           Pa'no mo malalamang in-love ka na?

JIGS            Paano? I don't think there s a formula to that. Basta malalaman
                        mo na lang. I mean, ilang beses lang ba nangyari sa akin iyon?
                         I d like to believe na yun na nga iyon...yung kay Krissy...

 YUMI             Kwento mo nga...paano mo narealize dati na mahal mo nga si Krissy?

 JIGS            Alam mo nakakatawa...korni actually. Babalik na naman ako sa
                            pagiging korni nito e. Di ba ayaw mo sa korni.

  YUMI           Sige na. Hindi na kita aasarin.

  JIGS            I heard bells.

  YUMI            Ano?

  JIGS              Seryoso. Bigla na lang, habang nag-uusap kami, may narinig na
                                lang akong bells, tapos music. Ewan ko kung iniimagine ko lang iyon
                              pero yun ang nangyari. Nakakatawa nga e. Parang kanta ng Beatles.

 YUMI              Seryoso ka ba?

JIGS             O baka naman nagkataon noong oras na yon, may nagkakantahan sa
                               kung saan sa school. Basta may narinig akong bells. Tapos napangiti
                               ako. Pagtingin ko sa mata niya, iba na ang nakikita ko. Hindi ko na
                                siya nakita as kabarkada lang. Biglang parang may magic. Hindi ko
                               ma-explain. Baduy pero ganun. Tapos I just seized the moment. Umamin
                               ako. A week later, kami na.

 YUMI             Korni nga. (Matatawa)

  JIGS            Korni talagang pakinggan. Pero pag nandun ka na. Pag naranasan
                                mo na, feeling mo, hindi na korni.

            Ngingiti si Yumi. Tahimik.

 YUMI          Alam mo, may times na parang tunog violin ang boses mo.
                  O lasing  lang ako?

          Tahimik.

JIGS             I'm into my last question.

          Iaangat ni Yumi ang ulo niya.

YUMI            Shoot me. Better make it good.

JIGS            If you were again to be the next victim of this tradition, if
                          you were to be locked up in this room again...who would you want the
                          next guy to be?

YUMI             (Mag-iisip) I want someone whom I could talk to... Yung
                           makukwentuhan ko ng mga sikreto ko. Yung may sense makipag-usap. Yung
                            may laman. The violin  player who'd stroke my strings...not even. Yung
                           mapapatunog niya ang strings ko without even touching them. (Tahimik)
                           Lumuluwag na ang dila ko...kung anu-ano na ang nasasabi ko. (Ngingiti)

          Tititigan lang ni Jigs si Yumi. Tahimik.

YUMI             Siyempre yung masarap kausap.

        Tahimik. Hindi makatingin si Yumi.

YUMI             Yung kahit habambuhay wala kaming gawin kundi mag-usap...
                                I  think it's better than making love.

          Mapapatingin si Yumi kay Jigs.

YUMI            Gosh I want to kiss you so badly.

          Matitigilan siya.

YUMI             I can't believe I just said that.

          Tahimik.  itignan niya ulit si Jigs.

YUMI              Don't you want to kiss me?

           Pause. Titignan siya ni Jigs sa mata.

JIGS          Is that your last question? (Ngingiti si Jigs)

YUMI            Yes.

                DILIM.