Search This Blog

Wednesday, December 29, 2010

KApitan Gin Bulag Chapter I

KAPITAN GIN BULAG....
by >> kulotskie83

CHAPTER I

BBRRROOOMMM.....ingay ng dumaang tricycle ang gumising sa lango pa sa alak na si Allan. Di katangkarang lalake na may bigote at balbas normal na pangagatawan at itsurang manyakis. Nakatulog siya sa gllid ng kalsada dahil sa kalasingan animoy taong grasa dahil sa dumi ng suot dulot ng alikabok mula sa  kalsada....

"puta sakit ng ulo ko ah...asan na yung kapares ng tsinelas ko?.." tanong nya sa sarili habang kinakamot ang kanyang tiyan...

"paawweenngg aallaann..." sabat naman ng kaibigan nyang si reagan na lango pa din sa alak na syang ginawa nyang unan nung nakatulog sila sa kalsada... "tanga ka din at kalahati eh noh!!! pinangbato mo yung tsinelas mo dun sa aso na nagnakaw ng pulutan nating isaw kagabi...alam mo kung bakit?.. sabi ng kalbo ngunit simpatikong lasing  "bakit?..." tanong ng mukang manyakis na si allan... "eh GGAAGGOO ka eh" sabat ni reagan habang nakaakbay sa kaibigan...malakas na tawanan na lang ang nagawa ng magkaibigan dala na rin ng kalasingan... Habang magkaakbay na naglalakad si Reagan at Allan nakasalubong nila si Benedict, pormang jejemon na may suot na dilaw na sumbrerong patagilid. Sa unang tingin mapagkakamalan mo syang retarded dahil sa estilo ng kanyang paglalakad. "mga ttssooonnggg!!!!!" paapir na bati ni Benedict... " di nyo nanaman ako sinali sa tagayan ninyo kagabi ah...balita ko buhay na tahong daw pulutan nyo...? " nakangiting asong pabiro ni ungas... Habang nagbibiruan ang tatlong itlog este tatlong magkakaibigan isang malakas na pagsabog ang umilangawngaw sa kanilang baranggay...

Napayuko sa takot ang dalawa maliban kay Benedict na hinimatay sa sobrang pagkagulat...

labasan ang mga tsismosa sa kalsada na pinamumunuan ni Bella...May bilog na pangangatawan ngunit kaakitakit na mukha....
"putang ina ano yung sumabog na yun?.. SIGAW ng bungangerang tsismosa habang may hawak na sigarilyo...ibat-ibang ingay na ang maririnig sa kalsada, may mga batang nagiiyakan, mga lalakeng nagsisipulan dahil sa mga dalagang lumabas para makiusi (usisa) at mga jeep at tricycle na bumubusina dahil sa mga taong nakahambala sa kalsada...!!!

Sinipa sipa ni Reagan si Benedict para magising na nung mga oras na iyon ay nangingig pa sa sobrang takot... "hoy ungas tumayo ka na dyan tapos na new year" sabi ni kalbo habang sinisipa sipa si ungas...
"nnnaannaayyy kkkoo pooo!!!" nangingig na iyak ni Benedict...

"puta ang arte mo iihian kita pag di ka tumayo jan" sabat ng di na makatiis na si Allan...akmang ilalabas na ang alaga ng biglang tumayo si ungas "kaw naman di na mabiro..." pigil ni Benedict kay Allan na nakabukas na ang zipper ng mga oras na iyon...

"San ba galing yung sumabog na yon?.. may malapit bang pagawaan ng paputok dito?.. tanong ni kalbo kay Allan at Benedict...

Blangkong mukha ang naisagot ng dalawa dahil mula sa likod ni kalbo lumabas ang isang malaking....... "is is is isppppeeyysshhiippp!!!" sigaw ng malakas ng duwag na si Benedict!!! Dahan dahan ang paglingon ni Reagan dahil na rin sa init ng hangin na nararamdaman nya sa kanyang kalbong ulo....

Karipas ng takbo ang dalawa...ngunit naiwan si Benedict dahil hinimatay nanaman sya sa sobrang takot...
"benedict pag di ka bumangon jan puputulin nila yang sausage mo tanga !!!!"
sigaw ng malakas ni Allan habang tumutakbo ng matulin....
Ng marining iyon ni ungas agad syang bumangon, tumakbo ng sobrang bilis at nauna pa siya sa dalawa sa sobrang takot..hindi sa SPACE SHIP na nakita kundi ang mawalan ng junjun....!!! 

Habang nagkakagulo sa daan...biglang dumilim ang kalangitan....!!!!

"YUNG MGA SINAMPAY NYO ANJAN NA ANG ULAN!!!" sigaw ulit ng bungangerang si Bella..."Tanga di yan ulan, flaying sawser yan" pagmamagaling ni Bula, ang best friend na "chickboy" ni Bella...pwede sa chick pwede sa boy (tibo) ...Labasan din ang mga bading sa kani kanilang mga parlor, nangunguna si Erl ang pinaka magandang bading sa lahat!!! Pero di alam ng kanyang pulis na tatay na sya ay sablay kaya nagiiba sya ng anyo kapag lumalabas sa kalsada...Labasan din ang mga customer nila na sila Jake at Nan ang mga gwapings na suki ng parlor pero tumatambay lang para magpa-aircon...Ang parlor na iyon ay pagmamayari ng bading din na si Dev na mula sa buena pamilyang angkan...!!! Lahat ay nakatingala sa langit ng biglang may narinig silang paulit-ulit na tugtog............

eh eh eh eh eh eh eh ehhhh twenty one....
eh eh eh eh eh eh eh ehhhh twenty one.... (background music)
eh eh eh eh eh eh eh ehhhh twenty one....

Paulit ulit ang tugtog  na nagmumula sa loob ng malaking space ship...
Mula sa liwanag na nagmumula sa malaking space ship dahan dahang lumabas ang isang bilugang lalake kasunod ang isang animoy henyong doktor..nakasuot ito ng salamin at may braces (nerd ang itsura) at sa twing magsasalita parang tutulo ang laway...

"WE COME IN PEACE!!!!!" sigaw ng bilugang lalake...

"AANNOO YYYUUNN??" sigaw naman pabalik ni Bella ang bungangerang tsismosa....

"Pinuno, Pilipinas po itong nalandingan natin kaya dapat magtagalog tayo" bulong ng nerd na doktor sa bilugang lalake...

"ah ganon ba?.. pasensya na ALIEN lang..." sagot naman nito

"NAGTUNGO KAMI DITO PARA SA KAPAYAPAAN!!! muling isinigaw ng bilugang lalake...

"PWET ESTE PWES UMALIS NA DIN KAYO NG MAPAYAPA...MGA BWISET...PAMPAM KAYO AH!!! sigaw ulit pabalik ng bungangerang tsismosa habang inaapakan ang upos ng kanyang sigarilyo...

END OF CHAPTER I

No comments:

Post a Comment